Benjamin at GF nagsi-celebrate ng first anniversary

July 06, 2020

IN 2016 ay naging kasintahan ni Benjamin Alves ang kapwa niya Kapuso talent, ang singer-actress na si Julie Anne San Jose na tumagal ng halos dalawang taon.  In 2018 ay nagkahiwalay ang dalawa.  It was last year nang ipakilala ni Benjamin sa social media ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Chelsea Robato at kamakailan lamang ay nag-celebrate ng kanilang first anniversary bilang magkasintahan ang dalawa.

Ang pagpasok ni Benjamin sa showbiz ay nagsimula nang siya’y sumali sa reality model-search ng ABS-ABN, ang “Close-Up to Fame” in 2008 kung saan siya naging finalist.  Pagkatapos nito ay lumagda siya ng management contract with Viva Artists Management (VAA) pero pagkatapos ng isang taon ay tumigil siya upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Si Benjamin ay nagtapos na summa cum laude sa University of Guam sa kursong English Literature course in 2012.  Balak pa sana niyang ipagpatuloy ang Master’s Degree pero minabuti niyang balikan ang showbiz career and lumagda na siya ng kontrata sa GMA Artists Center.