Benjamin may ipinalit na kay Julie Anne

July 10, 2019

MUKHANG nakapag-move on na ang Kapuso actor na si Benjamin Alves sa kanyang recent break-up with  Kapuso star, ang singer-actress na si Julie Anne San Jose dahil muli itong nakatagpo ng bagong mamahalin sa katauhan ng modelong si Chelsea Robato.  Naging aware ang publiko sa kanilang bagong relasyon sa pamamagitan ng palitan nila ng mga mensahe sa kanilang respective Instagram accounts.

Dalawang taon ding tumagal ang relasyon nina Benjamin at Julie Anne na nagkahiwalay nung November 2018.  Dalawang major blow ang dumating kay Ben nung buwan na ’yon, ang pagkamatay ng kanyang ama at ang break-up nila ni Julie Anne.

While they’re both focusing now sa kanilang respective career, hindi na rin nagsi-share ang dating magkasintahan as to the cause ng kanilang breakup at mukhang they did not part as friends.

Julie Anne is 25 at 30 naman si Benjamin na kamag-anak ng Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual.  In fairness to Benjamin, hindi nito ginagamit ang pagiging kamag-anak ni Piolo for his personal gain.