Home>Entertainment>Showbiz>Best gift para kay Janella ang anak

Best gift para kay Janella ang anak

Janella Salvador and Markus Paterson
Janella Salvador and Markus Paterson

MATAPOS i-share sa publiko ng young couple na sina Janella Salvador at Markus Paterson ang kanilang first baby na si Jude Trevor Salvador Paterson sa kanilang joint vlog na pinamagatang M&J early this week, nag-release ang kanilang management company, ang Star Magic (ng ABS-CBN) ng official statement: “ABS-CBN’s talent management arm, Star Magic, wished the best for its two talents – Janella Salvador and Markus Paterson – as they start a new chapter in their lives as parents to their son Jude Trevor.

Janella Salvador and Markus Paterson's Baby Jude Trevor
Jude Trevor Salvador Paterson

“Star Magic expresses its full support and guidance to Janella and Markus as they embark a new chapter in their lives.

“We hope that fans would continue to show the same amount of support they have shown the couple throughout the years.”

Inamin naman ng young star na si Janella na si Baby Jude ang “best gift” na kanyang natanggap.

Wala pang balita kung kelan babalik ng Pilipinas sina Janella at Markus kasama ang kanilang cute baby na si Baby Jude Trevor.

Nadine hindi puwedeng tumanggap ng project

IT was in January 2020 nang mag-issue ng joint statement ang (dating) magkasintahang James Reid and Nadine Lustre na may kinalaman sa kanilang break-up after more than three years of being together na ang ibinigay na rason ay para mag-focus sa kanilang respective careers. Pero sa kabila ng paghihiwalay ng dalawa ay nanatili silang magkaibigan at nagpatuloy ang kanilang music collaboration sa ilalim ng Careless Music, ang music company ni James.

There were several sightings sa dalawa even after their break-up kasama ang kanilang mga kaibigan. Pero bago nagtapos ang taong 2020 ay napabalitang nagkabalikan umano ang dalawa na kamakailan lamang nakitang magkasama (along with their friends) sa isang nature trip.

Matapos kumalas sa pangangalaga ng Viva si James, sumunod naman si Nadine by announcing (also in January 2020) na wala na umano siya sa bakuran ng Viva. Pero pinalagan ito ng kompanya dahil hanggang 2029 pa ang kanyang kontrata sa Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva. Nung December 2020 ay nag-file ng demanda ang Viva against Nadine.

The actress is being represented by her legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan.

Habang patuloy ang legal battle between Nadine and Viva ay malabong tumanggap ang huli ng mga proyekto.

Daryl kauna-unahang ‘Masked Singer Pilipinas’ winner

ANG 33-year-old singer-composer at cartoonist na si Daryl Ong ang kauna-unahang grand winner ng local franchise ng “Masked Singer Pilipinas” produced by Viva TV and was shown on TV5 for one season mula October 24, 2020 to December 26, 2020. “Ako si 2-2-B” ang kanyang character. Ang nasabing musical contest ay sinalihan din ng iba pang seasoned at kilalang singers-performers tulad nina Joey Generoso (former lead vocalist ng Side A Band), Meds Marfil (ng True Faith Band), Renz Verano, Lolita Carbon (ng Asin), Katrina Velarde, Carlyn Ocampo, Wency Cornejo, Carl Guevarra, Roselle Nava, Bituin Escalante at Nina.

Bago sumali si Daryl sa “Masked Singer Pilipinas” ay naging kalahok din siya sa ibang TV singing competitions tulad ng “Pinoy Pop Superstar” in 2005, “Pinoy Idol” in 2008 at sa Season 2 ng “The Voice Philippines” in 2014 kung saan nagsimulang mag-take off ang kanyang singing career.

Sa loob ng dalawang taon (2016-2018) ay nasa pamamahala si Daryl ng Cornerstone Entertainment at pagkatapos nito ay lumipat siya ng Star Music kung saan siya kabilang sa loob ng limang taon. At ngayong 2021 ay lumagda naman si Daryl ng kontrata with Viva Records nung nakaraang January 6.

Sa tulong ng Viva Records, umaasa si Daryl na mas magiging busy siya sa taong ito.

Memorable din kay Daryl ang kanyang guest appearance sa long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan siya guest singer sa isang wedding scene. Hindi rin makakalimutan ng singer-songwriter ang kanyang unang panalo sa ika-26th Awit Awards kung saan niya naiuwi ang “Best Performance By A New Male Recording Artist” para sa kanyang awiting “Mabuti Pa”.

Naging bahagi rin si Daryl ng boy group na Voices of 5 maging ng all-male vocal trio na BuDaKhel kung saan niya kasama sina Bugoy Drilon at Michael Pangilinan.

Inamin ni Daryl na kakaibang kaba at excitement ang kanyang naramdaman nang siya’y mapasali sa kauna-unahang season ng “Masked Singer Pilipinas” dahil alam niyang pawang seasoned singers and performers ang kanyang mga katunggali.

“I just enjoyed the ride,” aniya.

Subscribe, like and share “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel, follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger