Bianca dumating ang biggest break

December 04, 2019
Bianca Umali
Bianca Umali

MAY 10 taon na rin sa pangangalaga ng Kapuso network ang singer-actress na si Bianca Umali na isang ulilang lubos at lumaki sa pangangalaga ng kanyang paternal grandmother.

Bianca was nine years old nang siya’y mapabilang sa childen’s show na “Tropang Pochi” in 2009.  Ito rin ang taon nang siya’y pumirma ng management contract sa GMA Artists Center.

She was four years old nang sumakabilang-buhay ang kanyang ina dahil sa breast cancer in 2005 at pagkalipas ng limang taon ay sumunod naman ang kanyang ama dahil sa atake sa puso.  Mag-isa siyang anak ng kanyang parents pero meron siyang dalawang half-sisters sa mother side and four half-siblings sa kanyang namayapang ama, tatlong kapatid na lalaki at isang babae.

Dalawang taong gulang pa lamang noon si Bianca nang siya’y maging in-demand sa mga TV commercials.

Ngayon, biggest break para  sa kanya ang pagdating ng HBO Asia project, ang ika-3rd season ng “Halfworlds” series kung saan siya ang pangunahing bituin kasama si Sam Concepcion.  Ito’y nakatakdang idirek ni Mikhail Red at dito rin sa Pilipinas isu-shoot.

Kasalukuyang sumasailaim si Bianca ng training on fight scenes at iba pang action routines in preparation for her first international project under HBO Asia.

Samantala, although si Miguel Tanfelix ang kanyang ka-loveteam (hanggang sa last nilang series, ang"Sahaya"), mas nali-link romantically si Bianca sa dating ka-loveteam ni Gabbi Garcia na si Ruru Madrid.