Home>Entertainment>Showbiz>Bianca proud Lola’s girl

Bianca proud Lola’s girl

HINDI pinalampas ng Kapuso actress na si Bianca Umali na magbigay ng isang heartfelt birthday message para sa kanyang lola.

Bianca Umali
Bianca Umali

Superhero kung tawagin ng aktres ang paternal grandmother na si Victorina “Vicky” Umali.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Bianca ang favorite photo niya ng kanyang Lola Vicky. Aniya, “This will always be my favorite photo of you, Mama. Happy happy happy birthday, my superhero. We’ll always eat plenty of hopia and drink plenty of coffee together, our favorite! Mahal na mahal na mahal kita!!! *huuug* So proud to be a lola’s girl.”

Samantala, patuloy pa ring napapanood si Bianca sa rerun ng Kambal, Karibal gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal