Home>Entertainment>Showbiz>Bianca sobrang excited maka-experience si Dennis

Bianca sobrang excited maka-experience si Dennis

Bianca Umali
Bianca Umali

SOBRANG grateful ang magandang actress na si Bianca Umali na mapili bilang isa sa mga bida ng ‘Legal Wives,’ ang cultural drama series na handog ng GMA Entertainment Group ngayong 2021. Bukod sa nakakapanabik na kuwento, bigatin din ang cast na magbibigay-buhay sa iba’t ibang karakter dito.

Gaganap si Bianca bilang si Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ishmael na gagampanan ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

Sa nakaraan niyang interview sa Unang Hirit, ibinahagi ni Bianca na itinuturing niyang blessing ang proyektong ito, “Hindi ko po alam kung ano ang mafi-feel. Kasi parang napakaganda po nung role, napakalaki ng proyekto, and yung makatambal si kuya Dennis na isang beteranong aktor is a blessing for me, and I’m excited to start the experience.”

Kasama rin dito sina Alice Dixson at Andrea Torres bilang legal wives.

Glaiza gusto nang iwan ang boyfriend sa Ireland para sa bagong series

Glaiza de Castro and Rayver Cruz
Glaiza de Castro and Rayver Cruz

SA kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal ang Kapuso stars na sina Glaiza De Castro at Rayver Cruz sa upcoming drama series na ‘Nagbabagang Luha’ sa GMA Network.

Ang serye ay adaptation ng classic ’80s movie na pinagbidahan nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Alice Dixson, at Richard Gomez.

Kahit nasa Ireland pa kasama ng boyfriend na si David Rainey (kung kanino siya engaged na) ay pinaghahandaan na ni Glaiza ang serye. Gagampanan niya rito ang role ni Lorna na si Maita. Kaya nga aligaga na siyang makauwi sa kabila ng travel restrictions dahil sa bagong Covid strain para sa mga manggagaling sa naturang bansa.

“Siyempre nando’n ‘yung feeling na malaking responsibilidad kasi kahit papaano na-familiarize na kami do’n sa pelikula at nakita naming ‘yung performances nina Ms. Lorna. So, parang kailangan talagang todohin,” kuwento ng aktres sa panayam ng 24 Oras.

Ayon naman kay Rayver, na gaganap sa dating role ni Gabby na si Alex, looking forward na siyang makatrabaho si Glaiza sa serye.

“Si Glaiza kasama ko sa ‘AOS’ (All-Out Sundays) pero iba kasi ngayon pa lang kami magwo-work sa isang drama series, so excited ako,” aniya.

Makakasama rin ng dalawa sa Nagbabagang Luha sina Claire Castro, Mike Tan, at Myrtle Sarrosa.

Kim kumalas na sa pagiging ‘kabit’

Kim Rodriguez
Kim Rodriguez

NAIIBA para kay Kim Rodriguez ang role niya bilang Dulce sa nalalapit na GMA News TV fantasy romance series na “The Lost Recipe.”

“Ako ang may hawak ng mahiwagang libro kung saan nakasaad ang magic sa pagluluto. At marami pang aabangan dahil paiba-iba (ang) character ko,” kuwento ni Kim.

Ang The Lost Recipe ang first regular show ni Kim na may element ng fantasy. Ibang-iba ito sa nakaarang roles ng aktres na karamihan ay kontrabida. Naging challenging daw ito sa kanya dahil mas detalyado ang mga eksena at dahil fantasy, may special effects kaya kailangang ulitin ang takes.

“First time ko magkaroon ng regular show na fantasy kasi usually ako ang nang-aaway at kabit sa past roles ko. Masaya kami sa shoot. Matrabaho lang para sa aming direktor dahil may magic and kailangan mag-green screen. So kailangan kung ano ka noong unang take dapat consistent ‘yung emotion mo kasi uulit-ulitin para sa effects.”

Ang The Lost Recipe na pagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda ay iikot sa love, time travel, at culinary world. Malapit na itong mapanuod sa GMA News TV.

Mavy and Cassy sinorpresa sa kanilang 20th birthday

Legaspi Family
Legaspi Family

TEENS no more ang celebrity twins na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Masayang sorpresa ang inihanda noong isang gabi nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel sa pagsalubong sa 20th birthday ng kanilang kambal sa kanilang bahay. Sa Instagram, ibinahagi ni Carmina ang ilang videos at photos ng kanilang selebrasyon, “Happy Happy Birthday to our super twins- @mavylegaspi @cassy We love you so much Best birthday gift ever! Thank you so much GOD! ”

Maganda ang pasok ng bagong taon para kina Mavy at Cassy dahil pareho silang magiging busy sa kanilang mga career.

Si Cassy ay kabilang sa upcoming romantic primetime series na “First Yaya” kung saan makakasama niya sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. Samantala, si Mavy naman ay magiging parte ng youth comedy-gag-variety show na Flex na malapit na ring umere sa GMA News TV. Patuloy pa ring napapanood ang kambal sa All-Out Sundays tuwing Linggo.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal