Bianca tahimik pagdating kay Ruru

May 11, 2019
Bianca Umali

ANG 19-year-old Kapuso young star na si Bianca Umali ang pinakabagong celebrity endorser ng X/S Xcess Salon na pinamumunan ng president/CEO na si Federico Moreno, ang founder ng Moreno Group of Companies kung saan kabilang ang Xcess Salon. Si Federico ang kaisa-isang anak ng yumaong star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno.

Seven years ago ay itinatag ni Federico ang Xcess Salon sa tulong ng kanyang dynamic team na binubuo nina Matec Villanueva, ang marketing consultant, Jhoanna del Ponso, business development manager at si  Elly Pastor, ang creative director ng kumpanya.

Sa ngayon ay may anim na company-owned na ang Xcess Salon with 30 franchise branches.

During the contract signing as the newest image ng Xcess Salon, sinabi ni Bianca na interesado rin umano siyang magkaroon ng sariling franchise ng naturang beauty salon.

Before Bianca ay naging image model din ng Xcess Salon ang iba pang Kapuso stars tulad nina Carla Abellana, Ivan Dorschner at Barbie Forteza.

Dalawang taong gulang pa lamang si Bianca ay isa na siyang commercial model.  Bukod sa Xcess Salon, ang iba pa niyang endorsements include Palmolive, Converse, Gluta C, Oppo, Zanea, Ardeur de France at Mac Cosmetics and counting dahil meron pang ibang under negotiation.

Napapanood ngayon si Bianca sa GMA primetime TV series na “Sahaya” at ang “Sunday Pinasaya” at may dalawa siyang movie na malapit nang ipalabas, ang “Banal” under APT Entertainment at ang “Family History” na siyang directorial movie debut ni Michael V. which he co-produces under his Mic Test Entertainment and GMA Pictures.

Ngayong nagtapos na ng high school si Bianca sa Veritas Parochial School (now Veritas Catholic School) in Parañaque, plano nitong mag-aral ng Multi-Media Arts sa De La Salle – College of St. Benilde. Hindi nga lamang siya sigurado kung aabot siya sa pasukan sa darating na sem.  Pero gaano man tumagal ang kanyang pag-aaral dahil sa kanyang tight showbiz schedule ay pilipilitin umano niyang makapagtapos.

Samantala, biglang tumahimik si Bianca nang ito’y tanungin namin tungkol sa kumakalat na balita na hindi ang ka-loveteam niyang si Miguel Tanfelix ang kanyang boyfriend kundi ang isa pang Kapuso actor na si Ruru Madrid.

Ang pananahimik kaya ni Bianca tungkol kay Ruru ay nangangahulugan ng ‘yes’?