Bianca Umali sasabak sa 'E-Date Mo si Idol' ngayong Huwebes

July 01, 2020

ANG Kapuso young actress naman na si Bianca Umali ang bibida sa online dating show ng GMA Artist Center na 'E-Date Mo si Idol' ngayong Huwebes, July 2 at 8:00 p.m. 

Makakasama niya ang 'StarStruck Season 7' avenger na si Crystal Paras para mag-host sa episode na ito, kung saan makaka-kuwentuhan at makakakulitan ni Bianca ang tatlong masuwerteng fans. 

Sa mga gustong sumali, mag-comment lang sa post ng GMA Artist Center kung bakit kayo ang dapat piliin ni Bianca.