Big stars ng ABS-CBN posibleng lumipat ng GMA

July 11, 2020

MAJORITY ng big stars and talents ay nasa bakuran ng ABS-CBN.  Dahil sa tuluyang pagkakabasura ng panibagong franchise ng TV network, mapipilitan ang kumpanya na pakawalan ang kanilang contract talents.  Mababawasan na rin ang mga programang kayang i-sustain at i-produce ng Kapamilya network due to limited revenues.

Hindi rin kakayanin ng Kapuso network na i-absorb ang karamihan ng artista at empleyado ng beleaguered TV network.  Hindi rin aktibo ang entertainment division ng TV5 kaya forced to good ang mga ito na maghanap ng alternatibong hanapbuhay at pagkakakitaan pero paano lalupa’t nasa gitna ang bansa (at ang buongmundo) ng pandemya?

Samantala, matapos mag-guest sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” ang Kapamilya talents na sina Pokwang at Kim Molina, hindi kami magtataka kung maging sunud-sunod ang mga Kapamilya artists na mag-guest sa sa nasabing noontime show.  Naka-schedule ding mag-guest doon ang Kapamilya actor na si Richard Yap.

Ang “Eat Bulaga” ay produced ng Television and Production Exponents, Inc. (TAPE, Inc.) na pinamumunuan ni Tony Tuviera na isang blocktimer at bukas sa kanilang programa ang mga talents mula sa iba’t ibang TV network including ABS-CBN.

Samantala, maging aktibo kayang muli ang TV5 sa pagbubukas ng kanilang entertainment programs?

May mga nagsa-suggest din na bakit hindi raw kaya makipag-alyansa ang ABS-CBN with TV5 ngayon to ride on their franchise lalupa’t kailangan ng TV5 na maka-recover sa kanilang lost revenues?

Posible kaya ito?