The biggest film output in a year's time

January 30, 2020
Regine Velasquez and Sharon Cuneta
Regine Velasquez and Sharon Cuneta

AFTER their sold-out two-night concert at the Big Dome in October last year na pinamagatang “Iconic,” magsasama sa pelikula for the very first time ang dalawang music icons na sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa local remake ng 2008 Korean movie na “Sunny”.

Ang  movie project  nina Sharon at Regine ay isa sa 34 movies na nakatakdang gawin ng Viva Films sa taong ito, the biggest film output that the company (or any film outfit) will produce in a year’s time.

Kung matatandaan pa, ang respective movie careers ng Megastar at Asia’s Songbird ay nagsimula sa bakuran ng Viva.

Ang “Sunny” movie project nina Sharon at Regine ay kasama sa listahan ng mga pelikula which was announced sa media launch ng “Viva Films 2020 Vision” which was held at the Novotel in Quezon City nung nakaraang Martes ng gabi, January 28 na dinaluhan ng contract stars and talents ng kumpanya gayundin ng mga screenwriters and directors na may ginagawang proyekto sa Del Rosario-owned film outfit.

Dahil sa tagumpay ng ilang local adaptation ng mga Korean movies tulad ng “Miss Granny” at “Miracle In Cell No. 7,” patuloy ang paggawa ng Viva Films ng mga local remake base sa mga hit Korean movies tulad ng bagong movie na gagawin ni Aga Muhlach, ang “A Man and A Woman,” ang “Spellbound” nina Bela Padilla at Marco Gumabao, “Sunny” nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez, “A Hard Day” nina Dingdong Dantes at John Arcilla at iba pa.

Magiging busy naman si Bela Padilla sa paggawa ng limang pelikula this year.  Mauuna nang ipalabas ang reunion movie nila JC Santos, ang “On Vodka, Beers and Regrets” na sinulat at dinirek ni Irene Villamor at nakatakdang ipalabas ngayong February 5.    Ang apat  pa niyang movie ay ang part 2 ng “100 Tula Para Kay Estela” na muli nilang pagtatatambalan ni JC Santos mula pa rin sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana, ang “Spellbound” na pinagtatambalan nila ni Marco Gumabao maging ang “Ultimate Oppa” na kung saan naman niya kapareha ang Korean actor na si Jim Gun-Woo.  Nariyan din ang first team-up nila ni Alessandra de Rossi, ang “The Wedding Breaker”.

Magiging busy rin this year ang singer-actor-comedian na si Janno Gibbs with three movies.  Ang “Pak-Boys” na pagsasamahan nila nina Andrew E., Dennis Padilla at ang bagong Viva contract actor na si Jerald Napoles.  Nariyan din ang “Instructions Not Included” na pagsasamahan nila ng child star na si Xia Vigor at ang “Mang Jose”.

Kaabang-abang naman ang reunion movie nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa pelikulang “Walang Kaparis” in co-production with Spring Films.

Dahil sa 34 movie projects ng Viva Films this year, this would mean additional jobs for the actors, screenwriters, directors, production  people, crew at iba pang taong involved in film production.

Ayon sa isa sa top executives ng Viva at panganay na anak ni Boss Vic na si Vincent del Rosario, naglaan umano ang Viva ng isang bilyong piso for the production of 34 films this year.