Billy balik sa pagiging judge

October 23, 2019
Billy Crawford

BALIK sa pagiging judge ang singer-actor at TV host na si Billy Crawford sa pinakabagong two-in-one  talent reality show ng Kapamilya Network, ang “Your Moment” na magsisimulang mapanood sa darating na November 9, araw ng Sabado.  The program will be hosted by Luis Manzano and dancer-actor-comedian-TV host na si Vhong Navarro at tatayo namang mga hurado ang King of Talk na si Boy Abunda, ang singer-actress at celebrity endorser na si Nadine Lustre at ang singer-dancer-actor at TV host na si Billy Crawford.

Bukod sa kanyang regular exposure sa “ASAP Natin `To” every Sunday,  si Billy isa sa mga talented TV hosts ng Kapamilya Network. Ang kanyang most recent at huling hosting job ay ang “Idol Philippines” na kamakailan lamang nagtapos sa ere at kung saan tumayong mga hurado sina Regine Velasquez, Vice Ganda, Moira de la Torre  at James Reid.

Sa pinakabagong magsisimulang talent reality show ng ABS-CBN, ang “Your Moment,” isa si Billy sa mga tatayong hurado.  Earlier this year, naging isa rin siya sa mga judges ng “World of Dance Philippines” kung saan niya nakasama sina Gary V. at Maja Salvador bilang judges habang sina Luis Manzano at Pia Wurtzbach naman ang tumayong hosts.

Although mahigit isang taon na ring kasal si Billy sa kanyang much younger wife, ang actress na si Coleen Garcia, mukhang wala pa sa kanilang immediate plans ang magkaroon ng baby.

Si Billy ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Aritsts Management matapos itong kumalas sa pamamahala ng ALV Talent Circuit ng talent manager at businessman na si Arnold Vegafria.

Si Billy ang pinakabatang naging miyembro ng dating “That’s Entertainment” youth-oriented program ng namayapang star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno on GMA.