Billy nadulas tungkol sa pagpapakasal ni Luis

November 16, 2019
Luis Manzano & Jessy Mendiola

NGAYONG malapit nang ikasal sina Angel Locsin at fiancé nitong si Neil Arce at isang taon na rin palang engaged sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, inaabangan naman  ng publiko at ng netizens ang much-awaited proposal ng TV host-actor na si Luis Manzano sa kanyang girlfriend of more than three years na si Jessy Mendiola.

While proposing and getting married someday ay bahagi na ng  future plans ng panganay ng estranged couple na sina Vilma Santos at Edu Manzano, gagawin umano ito ni Luis when he thinks he’s ready for it.

Luis is 38 at 26 turning 27 ngayong December 3 si Jessy.

Bago si Jessy, si Luis ay na-link din noon kina Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Anne Curtis at Nancy Castiglione (Nancy Jane) habang si Jessy ay naugnay kina JM de Guzman, Jake Cuenca, Matteo Guidicelli at Sam Milby.

Sa "Magandang Buhay," nag-guest si Luis kasama sina Vhong Navarro at Billy Crawford. Nang mapag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa ni Luis, nadulas si Billy na malamang na sa isang taon na rin ito mangyari. Bagama't hindi nag-react (bilang follow up si Luis), marami, una na ang dakilang ina ng binata na si Rep. Vilma Santos, ang nananalangin na sana'y magkatotoo na ito.