Bina-bash!

January 17, 2019
Angelica Panganiban
Angelica Panganiban

Bongga ang rebelasyon ni Angelica Panganiban sa Twitter na nagmamahal na pala siya ulit. All the while, ang akala ng marami ay hindi pa siya ready na magmahal pagkatapos ng huling heartbreak niya kay John Lloyd Cruz.

“Ngayon lang ako nasaktan. Tapos, na-appreciate ko. Kasi, nasasaktan na ko ulit. Totoong nagmamahal na ’ko. ULIT!!! MAGDIWANG!” tweet ni Angelica.

Isa pang tweet niya, “Iiyak na sana ko. Kaso, naisip ko... Angge? Naiiyak ka on your own? WhathaOMGF***K?!”

Nag-tweet din siya sa kanyang mga follower na suportahan siya sa pagmu-move-on dahil sa tatlong nakarelasyon daw niya ay dito siya matatagalang maka-move-on.

“Kapag natapos na ang Playhouse. Pwede bang suportahan niyo ’ko sa pagmu-move-on? Sa tatlong naka-relasyon ko, sure akong dito ’ko matatagalan maka-move-on.”

Matatandaang ang dalawang seryosong nakarelasyon ni Angelica ay sina Derek Ramsay at John Lloyd.         

Although first boyfriend niya sa showbiz si Carlo Aquino, mga bata pa sila noon at parang puppy love nga lang iyon.

Sinasabing nagkabalikan sila ni Carlo na kasama rin niya sa seryeng Playhouse at box-office movie na Exes Baggage.

Marami ang nagtatanong kung ang aktor ba ang tinutukoy ni Angelica na mahal niya kaya siya nasasaktan?

Lumabas din kasi ang balitang in-unfollow niya ito sa Instagram.

Bago ito ay may mga tweet din si Angelica na didistansiya na siya kay Carlo dahil sa fans na nagsasabing nakakasira siya sa aktor.

Timing naman din na may lumulutang na larawan ngayon si Carlo with a non-showbiz girl na diumano’y kasama nitong nagbakasyon sa La Union kamakailan.

Ang dami tuloy fans ang nagagalit ngayon kay Carlo at inaakusahan siyang pa-fall at user.

Pati ang non-showbiz girl na nali-link sa kanya ay bina-bash na rin. Naka-private tuloy ang kanyang IG account.

Pero may mga nalalabuan din naman sa tweets ni Angelica at iniisip na baka naman hindi seryoso ang mga pahayag nito.

Alam naman ng lahat na mahilig humugot ang aktres pero ’pag tinanong naman ay laging sinasabing walang meaning ang mga hugot na ’yon.