Binawi!

November 25, 2018
Dennis Trillo

Dennis, nairita sa ‘pandak’ na comment.

Hindi napanindigan ng basher ni Dennis Trillo ang balak na inisin ang bida ng Cain at Abel  sa patanong na comment kung pandak sa personal ang aktor? Sinagot siya ni Dennis ng “may problema ka ba sa pandak brad?”

Binawi agad ng basher ang comment niya, nagbibiro lang daw siya at nag-name drop pa na kilala niya ang pinsan ni Dennis. Hindi na siya pinansin ng aktor, pero ang fans nito ang bumu-welta sa basher na nagpa-pansin lang yata.

Mas pinagtuunan ng pansin ni Dennis ang comment sa maganda niyang acting sa Cain at Abel at tinanong siya kung totoo siyang nasaktan sa taping?

“All good, acting lang ’yun hehe! Salamat,” sagot ni Dennis.

Thankful si Dennis sa positive feedback ng viewers sa Cain at Abel at sa husay nila ni Dingdong Dantes. Waiting ang viewers sa more action scenes ng action drama lalo na mga eksena ng dalawang aktor.

Samantala, ’pag weekend at ’pag walang taping ng teleserye, nagpu-promote si Dennis ng Regal Entertainment MMFF entry na One Great Love  kasama ang ibang cast na sina Kim Chiu at JC de Vera.

Showing sa December 25 ang pelikula sa direction ni Eric Quizon.