Binibini vs. Miss U-Ph, a bad taste in the mouth

January 24, 2020
Stela Marquez-Araneta and Pia  Wurtzbach
Stela Marquez-Araneta and Pia Wurtzbach

IT's a pity that Binibining Pilipinas slowly loses its premium as the country's most prestigious pageant.

Sa panahon ngayon, hindi na talaga uso ang loyalty. Kung saan ang pera, doon ang loyalty. Temporarily, that is. Nakakalungkot na sa unang taon ng bagong dekada, wala na ang crown at title para sa Miss Universe sa Bininibing Pilipinas Charities Inc. Undeniably, it's the pageant's most coveted title. Pero mas nakakalungkot na mismong mga personalidad na nakinabang sa pageant ang tumalikod sa organisasyon at sa founder nito na si Madam Stela Marquez-Araneta. Itinalaga bilang National Director ang 3rd runner-up Miss Universe 2011 na si Shamcey Supsup-Lee habang Creative Director naman itong si Jonas Gaffud. They should not be blamed for accepting their roles in the Miss Universe Philippines Organization. Dahil personal choice nila 'yun at may sarili silang motibo kung bakit nila tinalikuran ang BCPI. As they say, to each his own. But personally, their decision leaves a bad taste in the mouth.

Sa ngayon, mukhang mas marami ang gustong sumali sa Miss U-Ph dahil 'di maikakaila na pangarap ng bawat beauty queen ang maging Miss Universe. Extended pa nga ang screening nito until January 31. Sabay pa ito sa screening period ng Bb. Pilipinas. Sinadya ba ito ng kampo ni Gaffud para maunahan nila ang Binibining Pilipinas sa paghahanap ng mga mas magaganda at magagaling na kandidata? Just asking...

Disclaimer:

For comments/reactions, call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com