Home>Entertainment>Showbiz>‘Black Panther’ actor pumanaw dahil sa colon cancer

‘Black Panther’ actor pumanaw dahil sa colon cancer

Chadwick Boseman
Chadwick Boseman

SUMAKABILANG-BUHAY na ang 42-year old black American actor-producer na kilala sa kanyang superhero role na “Black Panther” na si Chadwich Boseman nung August 28 (US time) sa kanyang tahanan sa Los Angeles, California matapos ang apat na taong pakikipaglaban sa colon cancer which was diagnosed in 2016. Nasa kanyang tabi ang kanyang pamilya at misis, ang singer na si Taylor Simone Ledward nang siya’y bawian ng buhay.

Nasa stage 3 na ang colon cancer ni Chadwich nang ito’y ma-diagnose pero sa kabila ng kanyang multiple surgeries at chemotherapy, ipinagpatuloy pa rin niya ang paggawa ng pelikula.

Bukod sa “Black Panther,” kilala rin si Chadwich sa pagganap sa papel ng mga historical figures tulad ni Jackie Robenson in “42” nung 2013, James Brown in “Get On Up” nung 2014 at Thurgood Marshal in “Marshall” nung 2017 pero ang kanyang pagganap na superhero sa film na “Black Panther” ang nakapagbigay sa kanya ng kanyang Screen Actors Guild Award at NAACP Image Award.

In 2019 ay napanood din siya sa pelikulang “21 Bridges” which he co-produced and this year, ang “Da 5 Bloods”. Ang kanyang final film ay ang “Ma Rainey’s Black Bottom” na nakatakdang i-release posthumously on Netflix. Meron din siyang guest voice over sa “What If” sa papel na T’Challa ng “Black Panther” na nakatakdang ipalabas in 2021.

Ang pagkamatay ni Chadwich ay kasunod sa celebrated death nina Kobe Bryant at Naya Rivera.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)