Bong ’di maipaliwanag ang nararamdaman sa paglaya

December 07, 2018
Bong Revilla Jr.
Bong Revilla Jr.

HINDI maipaliwanag ng actor at dating senador na si Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.  ang nararamdaman nang siya’y mapawalang-sala ng Sandiganbayan sa kasong plunder na isinampa laban sa kanya na may kinalaman sa P224.5-M worth of ill-gotten wealth. Diuamano, idinaan ito ng actor-politican ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa mga bogus na foundation na konektado kay Janet Lim Napoles who was found guilty along with the former senator’s chief of staff na si Atty. Richard Cambe na parehong na-sentensyahan ng reclusion perpetua.

Ang actor-politician na si Bong ay nakulong sa loob ng detention cell ng Camp Crame sa loob ng apat na taon at halos anim na buwan  nung June 20, 2014 kung saan niya nakasama ang kapwa niya actor-politician na si former Sen. Jinggoy Estrada na nauna nang nakalaya ganundin si dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Magiging pinakamasayang Pasko at Bagong Taon para kay Bong at sa kanyang pamilya at iba pang mga kaanak ang maagang Christmas gift na kanyang natanggap kahapon (Friday) nang umaga