Bong, gagawa ng dalawang pelikula

February 05, 2019
Jolo Revilla & Angelica Alita
Vice Gov. Jolo Revilla with Angelica Alita & son Gab

Sa pagmamadali kahapon, hindi namin natanong si Bong Revilla sa lovelife ng anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla at kung GF nga nito ang beauty queen na si Angelica Alita.

Nakakasama na ni Jolo at ng kanyang pamilya si Angelica at natanong na rin si Jolo kung GF niya ang dalaga, pero hindi sinasagot.

Ang nabanggit lang ni Bong sa pa-Chinese New Year lunch with the showbiz press, may gagawin siyang pelikula na kasama ang mga anak.

Hindi lang niya tinukoy kung mauuna niyang gawin ang Alyas Pogi o uunahin ang movie with his sons. O kaya, makakasama niya ang mga anak sa entry sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) na siguradong gagawin niya.