Bong at Lani, may bagong saya, 'di na pinapansin ang bashers

May 28, 2019
Lani and Bong Revilla

MASAYANG-masaya ang mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado hindi lamang dahil parehong nanalo ang actor-couple sa nakaraang halalan as senator and mayor (of Bacoor), respectively, kundi maging ang iba pa nilang mga kaanak tulad nina Jolo Revilla, ang second son ng mag-asawa bilang vice governor ng Cavite sa ikatlong pagkakataon, at mga kapatid ni Bong na sina Strike Revilla bilang kinatawan ng Bacoor, Cavite; Rowena Bautista-Mendiola bilang reelectionist councilor ng Cavite at ang nakababatang kapatid ni Bong na si Andrea ‘Andeng’ Bautista bilang mayor ng Antipolo City.

Ang isa pang dahilan ng kanilang pagsasaya ay ang pagkakaroon ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya, ang ika-apat na apo na si Mikael Domingo na isinilang nung nakaraang Sabado, May 25.  Si Mikael Domingo Bautista del Rosario ay pangatlong apo ng  mag-asawang Bong at Lani sa kanilang third child na si Inah Bautista-del Rosario sa husband nitong si Vince del Rosario.  Nauna na rito sina Alexa at Inigo del Rosario.

Apat na bale ang apo ng couple na ang panganay na apo ay si Jose Gabriel `Gab’ Bautista, ang teen-age son ng actor-politician na si Jolo Revilla sa ex-girlfriend nitong si Grace Adriano.  Si Grace ay panganay na anak ng aktres na si Rosanna Roces.

Sa apat na apo nina Bong at Lani, tatlo rito ay boys (Gab, Inigo at Mikael) at isa naman ang girl, si Alexa.

Samantala, hindi na pinapansin nina Bong at Lani ang pamba-bash ng marami sa muling pagkakahalal sa nagbabalik-Senado na si Bong.

Sa halip ay tatapatan umano ito ni Bong ng tapat na paglilingkod sa bayan.

Ipagpapatuloy pa rin ng pamilya Revilla ang pagpu-produce ng pelikula under the family-owned Imus Productions para makatulong sa mga taga-industriya.