Bong sobra ang papuri kay Lani

February 12, 2019
Lani Mercado and Bong Revilla

MORE than two months after his release mula sa detention cell ng Camp Crame, nagkaroon ng pagkakataon ang action star at movie producer at dating senador na si Bong Revilla na maging panauhin ng “Magandang Buhay” program nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros   last Monday morning kung saan nag-surprise appearance ang kanyang misis, ang singer-actress at mayor ng Bacoor na si Lani Mercado.  Nang tanungin si Bong kung anong song ang theme song ni Lani ay sinabi ni Bong ang awiting “Ikaw”.  Humingi naman ng konting sample kay Bong ang mga host ng “Umagang Kay Ganda” at nagulat na lamang ito nang lumabas si Lani na kinakanta ang ilang bahagi ng "Ikaw".   Nagbigay naman ng taped message ang tatlo niyang mga apo na sina Gab (sa anak na si Jolo Revilla) at sina Alexa at Inigo (sa anak nilang si Ina at husband nitong si Vincent del Rosario) na sa Davao naka-base.  Papa rin ang tawag ng mga apo sa kanilang lolo at Mama naman kay Lani.

Inamin ni Bong na bukod sa Diyos ay naging sandalan niya ang kanyang pamilya nung mga panahong dumaan siya sa matinding pagsubok at sobra niyang pinasasalamatan ang kanyang misis na si Lani dahil sa katatagang ipinakita nito hindi lamang sa kanya kundi lalung-lalo na sa kanilang mga anak.

Hindi rin ikinakaila ni Bong na isa umano siyang mama’s boy nung nabubuhay pa ang kanilang inang si Gng. Azucena Mortel-Bautista kaya sobra umano siyang naapektuhan nang ito’y sumakabilang-buhay in 1998.

Inamin naman ni Lani na kahit maagang nag-asawa ang kanilang anak na babae na si Inah sa husband nitong si Vincent at ngayo'y may dalawa nang anak na magiging tatlo na dahil buntis ito ngayon, ipinagpapatuloy pa rin nito (Inah) ang kanyang pag-aaral ng Abogasya sa Davao.

Si Bong ay sinamahan sa kanyang guesting sa “Magandang Buhay” ng dalawa pa niyang nakababatang kapatid na sina Rowena at Andrea (Andeng) na nasa audience.