Boobay at Tekla nagpatawa, nagpaiyak

January 19, 2019
Boobay and Super Tekla
Boobay and Super Tekla

MAGKAHALONG tawanan at iyakan ang naganap nang i-present ang Kapuso duo na sina Boobay at Tekla sa isang presscon noong Lunes sa executive lounge ng GMA Network.

“Mapapanood na rin ang The Boobay and Tekla Show na katuparan ng mga pangarap namin sa January 27, 10:25 hanggang 11p.m. sa GMA Sunday Grande,” ani Tekla.

Take note na sasabayan nila ang  show ni Unkabogable Vice Ganda na Gandang Gabi Vice sa Kapamilya Network.

Siyempre, hindi dapat paghambingin ang dalawang shows dahil may dapat pang patunayan ang tila naghahamon sa numero unong comedian ng showbiz.

“Tanging nararamdaman ko ngayon ay sobra-sobrang kaligayahan," ani Boobay. "Kulang na lang na sabihin kong hanggang ngayong araw na ito ay hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ang nangyayaring ito. Nag-level up na rin kami kasi dati ay sa online lang kami nakikita. This time, sa national television na at buong mundo na ang makakapanood sa amin. Ganun na lang ang dasal at pangako namin na gagawin namin ang lahat ng makakaya namin.”

“Fans ang may gawa ng lahat ng ito,” ayon pa kay Boobay na taga-San Marcelino, Zambales. "Natutuwa ako dahil bihira ang nagtatagumpay sa showbiz lalo na sa comedy mula sa liblib naming lugar.”

Boobay was born Norman Balbuena. Nakapagtapos siya ng kursong Communicaion Arts sa St. Louise U niversity sa Baguio City.Nakipagsapalaran siya sa Maynila at napansin siya dahil sa panggagaya kay Ethel Booba. Kaya naging Boobay ang kanyang showbiz name.

“Breadwinner po ako at sagot ko ang pagpapagamot sa maysakit kong ina," pagtatapat ni Boobay.

Samantala, si Willie Revillame ang nagbigay kay Super Tekla ng break sa TV. Romeo Librada ang tunay niyang name at galing siya sa North Cotabato, Mindanao. Mas hirap ang buhay niya kaysa kay Boobay dahil kailangan niyang mag-harvest at magbenta ng kanilang pananim para makapag-aral.

“Kailangan pong mapanood ninyo ang show namin at saka na po ninyo kami hatulan. Hindi po ako nagyayabang,”aniya na parang nagbabanta sa kakayahan ni Vice Ganda.