Boss Vic 'di nagkamali kay Marco

September 12, 2019
Marco Gumabao

HINDI nagkamali ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario sa kanyang sinabi minsan sa amin  na si Marco Gumabao ang magiging next important leading man matapos itong lumagda ng management contract with Viva Artists Agency (VAA. Sunud-sunod siyang ipinareha  sa dalawang award-winning stars ng Viva na  sina Anne Curtis at Nadine Lustre. Kasama rin si Marco sa hit afternoon TV series na “Los Bastardos”.

Ang hit movie na “Just A Stranger” na sinulat at dinirek ni Jason Paul Laxamana under Viva Films ang nag-semento sa pagiging pinakabagong male heartthrob at leading man ni Marco. Hindi lamang siya isang young hunk actor kundi isang mahusay na actor.

Bago ang pelikulang “Just A Stranger,” una silang nagkatrabaho ni Anne sa pelikulang “Aurora,” na naging kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival at isa sa mga pinilahan sa takilya.  Naging leading man din si Marco ni Nadine Lustre sa “Ulan” at nakatrabaho si Cristine Reyes sa comedy movie na “Abay Babes” at ang rom-com na “Para sa Broken Hearted” with Yassi Pressman

Ngayong naipalabas na ang “Just A Stranger,” aabangan naman ng mga manonood ang bagong movie ni Marco na “Between Goodbyes” na pinagsasamahan nila nina Lovi Poe at Tony Labrusca.

Si Marco ay sa isa mga mga anak ng actor at dating actor/politician na si Dennis Roldan at dating modelong si Loli Imperial.