Boyet nakauwi na pero self quarantined pa rin

March 26, 2020
Christopher De Leon and Sandy Andolong
Christopher De Leon and Sandy Andolong

AFTER eight days in the hospital, nakauwi na sa kanilang bahay ang drama king na si Christopher de Leon last Tuesday evening, March 24 matapos itong sumailalim ng treatment  for Covid-19.

Pero naka-quarantine pa rin ito hiwalay sa kanyang misis na si Sandy Andolong, anak na si Mica at mga kasambahay.

Nagpasalamat si Sandy sa lahat ng mga nagpaabot ng concern at nagdasal para sa agarang paggaling ni  Boyet (palayaw ni Christopher). 

Si Boyet ay kasama sa afternoon TV series ng Kapamilya network na “Love Thy Woman” na pansamantalang nakatigil ang taping at airing ngayon .

Samantala, ngayong Friday, March 27 ay 40th wedding anniversary ng mag-asawang Boyet at Sandy pero hindi  muna nila ito masi-celebrate with their family.