Boykot

November 13, 2018
Sharon Cuneta

Sharon, dedma sa giyerang Kiko-Digong.

TIKOM ang bibig ni Sharon Cuneta sa maanghang na statement ni President Rody Duterte kay Senator Francis Pangilinan na “bobong abogado.” May kinalaman ito sa inakda ng asawa ni Sharon  na tinatawag ngayong Pangilinan Law o Juvenile Welfare Act.

Eh, nitong nakaraang post ni Shawie sa Instagram, ipinagmalaki niya ang endorsement ng kaibigang Davao City Mayor Inday Duterte sa kandidatura ng Kuya Chet niya bilang Pasay City mayor. 

Bago ito, naglabas din ng post si Shawie na suportado rin ni P-Digong ang Kuya Chet niya, huh!

Tapos, lumabas na ang masakit na pronouncement ng Pangulo kay Sen. Francis.

Inasahan ng netizens ang magiging reaksyon ni Sharon. Eh, sa isang IG post ng megastar, may pa-question and answer siya sa followers niya.

Halos lahat ng tanong ay sinagot ng megastar, pero pagdating sa tanong sa movie nila ni Gabby (Concepcion) ay dedma siya, huh! 

May ilang anti-Duterte supporters din na nananawagan ng boycott daw against Sharon.

As of this writing, wala pa kaming nakitang tanong mula sa followers niya na nagtanong sa reaction ni Shawie sa sinabi ni Presidente Duterte, huh! 

Of course, Sharon knows when to keep her mouth shut para hindi na lumaki pa ang kontrobersiya.