Bracelet, iniwan ni Arjo kapalit ng sagot sa relasyon kay Maine

December 07, 2018
Maine Mendoza at Arjo Atayde
Maine Mendoza at Arjo Atayde

Hinanap ng press people si Arjo Atayde sa presscon ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles, pero wala ito at hindi nabanggit kung bakit wala siya. Sinabihan ba si Arjo na ’wag pumunta sa presscon o sarili niyang kusa ang hindi pumunta para hindi na matanong ng tungkol sa kanila ni Maine Mendoza?

Pero si Maine, sinagot ang tanong ng press sa kanila ni Arjo.

Ang sabi niya, nasa getting-to-know-each other stage sila at tama naman ang sinabi niyang paano nila makikilala ang isa’t isa kung hindi sila magsasama at mag-uusap?

After the presscon, nag-guest si Arjo at ang sister niyang si Ria Atayde sa MOR 101.9 to promote their episode sa Maalaala Mo Kaya.

May game ang host, may itatanong siya sa dalawa na kung ayaw sagutin, mag-iiwan ng gamit.

Si Ria, maayos na nasagot ang tanong, pero si Arjo, hindi sinagot ang tanong na “kayo ba ng nali-link sa ’yo na si Maine Mendoza?”

Hindi sinagot ni Arjo ang tanong, nag-smile lang at piniling iwan ang bracelet.

Kanya-kanyang interpretasyon ang nakapanood sa guesting ni Arjo sa hindi niya pagsagot sa tanong.

Pati yata sa mall show, hindi kasama si Arjo, lalo tuloy naku-curious ang fans.

Anyway, showing na sa December 25 ang Jack Em Popoy sa direction ni Mike Tuviera.