Buhay ng BF ni Vice Ganda, madrama

May 21, 2019
Ion Perez
Ion Perez

KILALA na ng marami ang 28-year-old na si Benigno Perez na mas kilala ngayon bilang si Ion Perez. Bukod sa sinasabing siya ang BF ngayon ni Vice Ganda, unti-unti na rin siyang gumagawa ng pangalan on his own.

Kamakailan lamang ay nag-guest si Ion sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda, ang “Tonight with Boy Abunda” kung saan siya binigyan ng solo exposure.

Ayon sa kuwento ni Ion, pang-11 siya sa 15 mangkakapatid pero nabawasan na sila ng isa dahil sumakabilang-buhay na ang isang nakatatandang kapatid. Patay na rin ang kanilang ama.

Ibinahagi ni Ion sa mga manonood ng TWBA na hindi umano nakahiram noon ang kanyang ina ng halagang P150 para pambili ng gamot ng kanyang kuya kaya ito namatay. Dahil dito, nagsalita ang kanyang ama nung ito’y nabubuhay pa na “Huwag maging maramot sa kapwa,” kung sila naman ang magkakaroon.

Naranasan din ni Ion ang ma-bully nung siya’y nasa high school pa dahil sa pagkakaroon ng amoy-araw.

Bago dumating ang malaking break niya sa “It’s Showtime” as “Mr. Escort” bilang kapalit ni Greg Hawkins sa “Miss Q&A” segment ng programa, si Ion ay isa nang modelo. Nanalo siyang Mr. Universe Tourism nung May 2018 pero nag-quit after two months. Siya’y pinalitan ni Brata Kartasasmita ng Indonesia in August 2018.

Unknown to Many, si Ion ay may three-year-old son sa kanyang dating girlfriend.  The boy stays with the mother pero hinihiram ito ni Ion para magkita sila.  Hindi rin maliwanag kung  ang ina ng bata ang huling ex-girlfriend ni Ion about three months ago.

Dahil kumikita na ngayon si Ion dahil sa kanyang daily exposure sa “It’s Showtime,” nakakatulong na siya sa kanyang pamilya lalung-lalo na sa kanyang ina na patuloy pa ring nagtitinda ng kalamay.