Bumuwelta!

January 21, 2019
Kris Aquino & Gretchen Barretto

Isyu ng tax ni Greta, pinatulan ni Kris.

HINDI nagpaawat sina Gretchen Barretto at Kris Aquino sa giyera nila sa social media. 

Matapos akusahan ni Greta si Kris na tumulong sa “pangdudoktor” ng dapat bayarang tax ng mutual businesswoman-friend nilang nagngangalang Alice Eduardo, nag-post ang ina nina Joshua at Bimby ng depensa sa Instagram account Linggo ng gabi kahit pa nga pinagpapahinga dala ng autoimmune disease niya.

Sa naturang post, kinontra ni Kris ang gusto diumanong palabasin ni Gretchen na pandaraya niya sa tax bilang pagtulong sa kanilang kaibigan.

Naglabas din si Kris ng opisyal na pahayag mula sa opisina ng kanyang legal counsels, ang Divina Law Office, bilang sagot sa tinawag nilang “malicious allegations against Ms. Kris Aquino.” 

Direkta nilang dinenay na may kinalaman si Kris sa tax case ni Eduardo.

Kaibigan man daw ang negosyante ni Kris sa loob ng pitong taon, ang relasyon nila bilang magkaibigan ay hindi sumasaklaw sa anumang business interest.

Ipinagdiinan din nila sa isang parte ng pahayag na hindi naging parte si Kris ng anumang kaso ng tax evasion bilang ito mismo, diligent sa pagiging taxpayer sa loob ng maraming taon.

Katunayan, inilabas din nila ang milyun-milyong halaga ng tax records ng kliyente bilang patunay.

Sa pagtatapos, sinabi sa statement na, “Individuals using social media to cause unjust vexation against our client, Ms. Aquino, should first do their due diligence when levying accusations about tax compliance, especially when they are not a party to any of the cases filed by our client or those filed against our client.” 

Samantala, mahaba ang caption na nilagay ni Kris sa nasabing post. 

Aniya, “To put things in context: Nilabas ang list ng top individual taxpayers for income earned in 2011, taxes paid in full April 15 up to July 15, 2012 nu’ng income tax season of April 2013, the same time His Highness, the Sultan of Brunei was in the Philippines for a State Visit...” 

Tinag niya ang isang website ng isang major broadsheet dahil ginamit pa nga raw nito ang litrato niya bilang front page banner photo. 

“Kung maniniwala ako sa fairytale, si Princess Intan hindi lang para sa @crazyrichasians pwede maging royalty... Please chill? That was just super wishful thinking. 

“8 years of certified BIR tax payments ang nilabas ko, hindi po para magyabang, pero para magpatunay na kailanman ay hindi ko magagawang ipagkait sa Pilipinas at mga PILIPINO ang karapat-dapat at tamang buwis na dapat kong ibayad.

“P322,098,558.74 in paid taxes over 8 years, and I was already the top 8 taxpayer in 2008, a year before my mom died and 2 years before my brother became president.

“This post was simply a statement of easily verifiable BIR tax records... REALITY CHECK.. HAPPY SUNDAY EVENING,” at nilagyan niya ito ng hashtag na #lovelovelove.

Nang may mag-comment na netizen na hindi si Kris ang tinutukoy ni Greta na nag-tax evade, kundi ’yung taong diumano’y tinulungan nito, sinagot siya ni Kris ng “super simple -- kung sa sarili ko, hindi ko masikmura mandaya ng buwis, gagawin ko para sa iba?

“Very logical, correct?”