Buong pamilya bitbit nina Jolo at Angelica sa kasalan sa Amerika

December 08, 2019
Jolo  Revilla

LAST Friday, December 6 ay umalis na ang respective families ng soon-to-be married couple na sina Jolo Revilla, vice governor ng Cavite at ang dating beauty queen na si Angelica Alita para sa kanilang kasal na nakatakdang ganapin sa Pelican Hill, Newport Coast, California, USA sa darating na Linggo, December 15.

Isang Christian beach wedding ang magaganap.

Si Jolo ay pangalawa sa anim na anak ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado.  Nauna na rito ay ang kanilang pangatlong anak na si Inah  na ikinasal nung 2008 sa young businessman na si Vince del Rosario.  May tatlo nang anak ang mag-asawa na naka-base ngayon sa Davao City.  Ang panganay nilang anak na si Bryan ay binata pa rin hanggang ngayon along with his other younger siblings na sina Gianna, Ram at Loudette.

Hindi umano makakadalo ang paternal grandfather ni Jolo na si dating Sen. Ramon Revilla (Bautista), Sr. maging ang isang nakababatang kapatid ni Sen. Bong na si Andrea or Andeng, kasalukuyang mayor ng Antipolo dahil ito umano ang maiiwan  to look after their dad who is now 92 years old.

Personal decision umano nina Jolo at Angelica na sa Pelican Hill magpakasal dahil napakaganda at romantic ng nasabing lugar na una nilang napuntahan when they got engaged.

Ilan sa mga tatayong principal sponsors ay ang isa sa best friends ni Sen. Bong na si dating Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Manny Pacquiao (na magpapadala umano ng representative) at ang Presidential daughter at mayor ng Davao na si Inday Sarah Duterte.  Isasama siyempre ni Jinggoy ang kanyang pamilya sa Amerika sabay bakasyon na rin.

Maliban kina Ramon, Sr. at Andeng and her family, buo ang pamilya ni Jolo at Angelica na dadalo maging ang kanilang malalapit na kaibigan.

Bago si Angelica, matagal na naging kasintahan ni Jolo ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria na inakala ng marami na siyang makakatuluyan ng actor-politician.  Earlier ay naging kasintahan din ni Jolo sina Grace Adriano (anak ni Rossana Roces kung kanino siya may isang anak na lalaki, si Jose Gabriel Bautista, now 13 years old),  at ang dalawang Kapuso stars na sina Kris Bernal at Lovi Poe.

At 31, handang-handa na si Jolo na magkaroon ng sarili niyang pamilya with his future wife na si Angelica.