Business empire ni Tunying, lumalaki

January 17, 2019
Anthony Taberna at Rossel Velasco-Taberna

DOUBLE celebration ang naganap sa buhay ng broadcast journalist na si Anthony Taberna, kilala rin bilang Ka Tunying, last January 16 dahil birthday na niya, grand opening pa ng eighth branch ng Ka Tunying’s Cafe sa ground floor ng SM North EDSA North Towers.

Eh, bukod sa best-selling Pinoy silog meals, may mga bago pang putaheng makakain, gaya ng sinampalukang manok, crispy kare-kare, manok ni Ka Tunying, crispy pata at tortang talong.

Kelan lang, nagkaroon sila ng renewal of vows sa Tagaytay ng wife niyang si Roselle Taberna.

“Eleventh anniversary namin ni Roselle. Actually, we call it reaffirmation of vows instead of vow’s renewal. ’Pag renewal kasi, parang nag-expire, eh. Nothing has expired so nothing to be renewed.

“That was sort or reaffirming our covenants before. Lagi ko namang sinasabi sa kanya ’yon, eh. Ang kaibahan lang ngayon, siguro mas hands-on na siya sa pag-organize ng kasal,” pahayag ni Ka Tunying.

Ilan sa mga naging bisita sa double celebration ni Ka Tunying ay sina Ariella Arida, Miss Universe 2013 3rd runner-up, Hashtag Jon Lucas at Ombudsman Samuel Martires.

Dahil lumalaki na ang kanyang business empire, meron nang mascot ang resto niya na umapir din sa birthday/opening at tinawag itong “Tonton.”