Camille manganagnak na

June 15, 2019

ANYDAY now ay nakatakdang isilang ng actress-host-entrepreneur na si Camille Prats-Yambao ang kanyang ikatlong anak, her second sa kanyang pangalawang husband na si VJ Yambao.

Camille, whose  first husband Anthony Linsangan died at age 31 nung September 23, 2011 of nasopharyngeal carcinoma, has remarried her elementary classmate VJ Yambao  on January 7, 2017 sa resort ng mga Prats sa Batangas.   

Si Camille ay may 9-year-old son sa una niyang mister at magda-dalawa naman sa kanyang present husband na si VJ and the couple is expecting a baby boy.  Ang panganay ng mag-asawa na si Nala Camilla  ay magtu-two years old sa darating na September 23 while VJ has a son na si Ice sa dati niyang karelasyon.

Samantala, nalungkot si Camille nang tuluyan nang magpaalam sa ere last May 31 ang kanilang long-running talk show ni Suzi Entrata-Abrera sa GMA News TV, ang “Mars” na tumagal ng pitong taon but at the same time ay nagpasalamat siya sa pamunuan ng GMA, sa kanyang co-host na si Suzi, sa production staff at sa mga manonood na tumutok at sumuporta sa programa sa loob ng pitong taon.