Camille Prats at Iya Villania, may handog na bagong episode ng Mars Pa More!

July 11, 2020
Camille Prats at Iya Villania
Camille Prats at Iya Villania

TIYAK na matutuwa ang mommies sa magandang balitang hatid ng Mars Pa More! hosts na sina Camille Prats at Iya Villania sa kanilang avid viewers!

Sa darating kasi na July 27 ay may fresh at special episodes ang morning talk show para sa pagdiriwang ng kanilang first anniversary. Sa Instagram story ni Iya ay ipinasilip niya ang kanyang work from home set-up kung saan makikita ang cute na anak niyang si Leon na naglalaro sa likod. Nag-post din ang bagong Kapuso mommy na si Solenn Heussaff sa kanyang Instagram story ng naging Zoom meeting niya kasama sina Iya at Camille.

Abangan ang masayang chikahan at kamustahan ng Kapuso moms na sina Iya, Camille, at Solenn sa special episodes ng Mars Pa More para sa kanilang anniversary week simula July 27, 8:50AM, sa GMA Network!