Carla Abellana nag-DIY sa back-to-work vlog

June 30, 2020
Carla Abellana

PARA updated ang kanyang fans na talaga namang miss na miss na siyang mapanood on screen, ibinahagi ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang unang araw niya back-to-work sa isang vlog.

Sa YouTube channel ni Carla, ipinakita niya ang naging pagbabalik-trabaho nang ipatupad na ang general community quarantine (GCQ), "I did my own makeup today. Siyempre walang hair and makeup artists dahil quarantine pa. Today is the plug shoot for GMA's 70th anniversary. Ito 'yung official na 'Back To Work Day' namin ni Tom. Takot man tayo, gustuhin man nating mag-stay lang sa bahay pero kailangan nating…back to work."

Excited naman ang fans na makitang back-to-work si Carla. Marami sa kanila ay nag-aabang na sa pagbabalik sa ere ng top-rating GMA primetime series na pinagbibidahan niya na 'Love of my Life.'