Carlo J magiging aktibo uli

October 23, 2019

PAGKATAPOS nang mahigit dalawang taon matapos mamayapa ang actress-turned movie producer na si Donna Villa nung January 17, 2017, mukhang magiging aktibong muli sa paggawa ng pelikula ang naiwan nitong mister, ang writer-director na si Carlo J. Caparas.

Si Direk Carlo J. at anak nitong si Peach Caparas ay namataan namin sa bakuran ng Viva office nung nakaraang Martes ng hapon na ka-meeting ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario.

Si Peach mismo ang nagsabi sa amin na mas madalas umanong nasa Cebu ang kanyang dad magmula nang mamayapa ang knayang inang si Donna Villa.  Pero natutuwa kaming malaman na muli silang magiging aktibo sa pagpu-produce ng pelikula sa susunod na mga araw at si Peach ang mangangasiwa sa kanilang film outfit.

“Mas mahigpit pa ito (referring Peach) sa nanay niya,” natatawang pahayag ni Direk Carlo J.