Carlo at Maine, huhusgahan na sa takilya

October 09, 2019
Carlo Aquino and Maine Mendoza

KIKITA kaya ang pelikula nina Carlo Aquino at Maine Mendoza? Ito ang madalas itanong sa amin. Na 'kala naman nila ay may power ako sa panghuhula.

But seriously, many await the result of their movie "Isa Pa with Feelings" at the box office. Marahil ang isang dahilan ay ang lead na ito na si Maine. She is, after all, the other  half of   the   phenomenal   tandem, AlDub.

Seemingly, it is expected that her movie will also be a monster hit like the Kathryn Bernardo-Alden Richards movie, "Hello, Love, Goodbye."

Mukhang malabong mangyari 'yun. Dahil wala pa naman napatunayan ang dalawa sa takilya.   

Bagaman naging phenomenal star   si   Maine   dahil   sa tambalan nila ni Alden, hindi naman nagta-translate ito sa box-office returns. Sana nga suportahan siya ngayon ng kanyang social media million followers sa pelikula nito.

Samantala, hindi  rin naman heavyweight sa takilya itong si Carlo. Sa naririnig ko, nega nga raw ang dating nito mula nang tumangging makipagbalikan sa kanya ang kanyang ex-girl friend na si Angelica Panganiban. Sa totoo lang experimental  ang kanilang team-up. Pero malaking palaisipan pa rin sa ilang kasamahan sa panulat kung bakit daw hindi si Daniel Padilla ang ipinareha kay Maine. Bakit nga ba? Just asking...

Disclaimer:

For comments/reactions call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com.