Carlo at Maine nagsimula na

August 23, 2019
Carlo Aquino and Maine Mendoza
Carlo Aquino and Maine Mendoza

NAGSIMULA nang mag-shooting si Maine Mendoza sa first team-up nila ni Carlo Aquino, ang “Isa Pa with Feelings” na pinamamahalaan ng indie director na si Prime Cruz under Blacksheep Productions.

Although subsidiary ng Star Cinema ang Blacksheep Productions na nakapaghatid na rin ng hit movies tulad ng “Exes Baggage” nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino at ang “Alone/Together” ng magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil, skeptical pa rin ang marami sa magiging resulta sa takilya ng unang tambalan nina Maine at Carlo at hindi malayong maikumpara sa pelikula ni Alden Richards under Star Cinema, ang “Hello, Love, Goodbye,” his first team-up with Kathryn Bernardo na patuloy na tumatabo sa takilya at kumita na ng mahigit P700-M  and counting.

Dapat daw ay si Daniel Padilla ang nakapareha ni Maine under Star Cinema at si Direk Cathy Garcia-Molina rin daw ang director.

Pero dapat ay suportahan na lamang ng respective fans nila ang first team-up ng dalawa kapag ito’y ipinalabas na sa mga sinehan in the next couple of months.