Carlo at Maine pressured sa pagtatambal

September 18, 2019
Carlo Aquino and Maine Mendoza

WALANG alinlangan na ang pelikulang “Exes Baggage” na pinagtambalan ng dating magkasintahang Angelica Panganiban at Carlo Aquino na dinirek ni Dan Villegas under Black Sheep Productions at ipinalabas nung September 2018 ay biggest movie to date ng dating couple na kumita sa takilya ng P355.5-M.  Ito ngayon ang malaking challenge sa dating child actor kung maaabot ang nasabing figure ng unang tambalan  nila ni Maine Mendoza, ang “Isa Pa with Feelings” na pinamahalaan ni Prime Cruz under Black Sheep Productions na co-production with APT Entertainment.  Ang nasabing pelikula ay nakatakdang ipalabas sa October 16, 2019.

Bukod sa pressure kay Carlo, malaking pressure din kay Maine ang first team-up nila. Hindi maiiwasang makumpara ito sa unang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema na kumita ng halos isang bilyong piso sa takilya making the movie the highest grossing Filipino film of all time.

Naging phenomenal ang naging tambalan nina Alden at Maine pero hindi ito na-translate into big boxoffice returns sa unang team-up nila sa pelikula in July 2016, ang “Imagine You & Me” na dinirek ni Mike Tuviera under APT Entertainment & M-Zet Productions na kumita lamang sa takilya ng P120-M.  Although hit, malayo ito sa figures ng “Exes Baggage” nina Angelica at Carlo laluna sa “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn at Alden.

Samantala, dream come true na maituturing ni Maine ang first team-up nila ni Carlo dahil noon pa man ay pangarap na niyang makatrabaho ang ex-boyfriend ni Angelica Panganiban.