Home>Entertainment>Showbiz>Carlo tatay na sa baby nila ni Trina

Carlo tatay na sa baby nila ni Trina

Carlo Aquino and Trina Candaza
Carlo Aquino and Trina Candaza

NITO lamang Linggo, September 13 ay ginulat ng dating child actor nasi Carlo Aquino ang post niya ng picture ng kanilang bagong silang na sanggol ng kanyang model girlfriend na si Trina na si Baby Enola Mithi Aquino. Ito’y patunay lamang na hindi pareho nagpa-apekto sina Carlo at Trina sa mga intrigang ibinato sa kanila nung isang taon.

It was in January 2019 nang unang lumutang ang mga larawan ni Carlo kasama si Trina sa isang beach in La Union.

Taong 2018 nang gawin ni Carlo at ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban ang hit movie na “Exes Baggage” na dinirek ni Dan Villegas. At that time ay naging mainit ang usapan sa `pagkakabalikan’ diumano ng dating magkasintahan kaya masayang-masaya ang CarGel fans nina Carlo at Angelica. Ang totoo ay walang balikang nangyari na ikinalungkot hindi lamang ng mga fans kundi laluna ni Angelica na umasa rin.

Carlo turned 35 last September 3 at ang kanilang bagong silang na baby ang maituturing na greatest post birthday gift na kanyang natanggap.

Samantala, up to this this ay hindi pa rin nag-uusap sina Carlo at ex-girlfriend nitong ni Angelica. Pero umaasa ang actor na sana’y mabalik din sa dati ang kanilang pagkakaibigan kahit hindi silang dalawa ang nagkatuluyan.

Si Carlo ang first boyfriend and true love ni Angelica at tumagal ng 6 years. Sumunod na naging kasintahan ni Angelica ay si Derek Ramsay which lasted for almost 7 years kasunod si John Lloyd Cruz na tumagal naman ng tatlong taon.

Nauugnay naman ngayon si Angelica sa ex-boyfriend ni Ryza Cenon na si Cholo Barretto pero klinaro ng actress na magkaibigan lamang umano sila ng pinsan ni Julia Barretto. Sina Angelica at Cholo ay nakitang magkasamang nagbakasyon sa Siargao kasama ang ilang mga kaibigan nung July 2019.

Janella at Marcus ngayon lang umamin

Janella Salvador and Marcus Paterson
Janella Salvador and Marcus Paterson

NAGTATAKA kami kung bakit recently lamang in-admit nina Janella Salvador at ng Fil-British singer-actor na si Marcus Paterson ang kanilang relasyon samantala nung isang taon pa sila napabalitang magkasintahan. Katunayan, ipinakilala ni Janella si Marcus sa kanyang biological father na si Juan Miguel Salvador sa kaarawan ng huli nung isang taon at nanood din ang dalawa sa gig ng ama ni Janella. Ilang beses na ring na-meet ni Marcus ang ina ni Janella, ang singer-actress na si Janine Desiderio.

Kung matatandaan pa, inamin pa last year ni Markus na nakaramdam umano siya ng selos kay Joshua Garcia nang magtambal sila ni Janella sa “The Killer Bride” TV series na nagsimulang umere nung August 2019 at nagtapos nitong nakaraang January 2020.

Magkasama pang namasyal sa Japan sina Janella at Marcus.

Samantala, mahigit isang taon na rin ang relasyon ng ex-boyfriend ni Janella, ang singer-actor na si Elmo Magalona sa kanyang non-showbiz girlfriend na nagngangalang Ry.

Solenn at Nico naging domesticated

Solenn Heussaff Nico Bolzico and daughter Thylane Katana
Solenn Heussaff Nico Bolzico and daughter Thylane Katana

HINDI ikinakaila ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico na marami umano ang nabago sa kanilang dalawa nang dumating sa kanilang buhay ang kanilang first born, ang kanilang 8-month old daughter na si Thylane Katana na isinilang nung January 1, 2020.

Mas naging domesticated ang dalawa at pareho umano silang hands-on parents sa kanilang unang baby.

Excited din ang couple na makita ang kanilang pamangkin sa mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia Amelia na hanggang ngayon ay nasa Melbourne, Australia pa rin kung saan ito isinilang nung nakaraang March 2, 2020. Si Baby Dahlia turned six months nung September 2.

Dahil kay Piolo wala nang mahihiling pa si Rhea

Piolo Pascual
Piolo Pascual

HINDI na talaga mapigilan ang paglaki pa lalo ng beauty and wellness company, ang Beautederm Corporation which was founded at pinamumunuan ng president and CEO ng kumpanya na si Rhea Anicoche-Tan now gearing on its 11th year in the business.

Sa kabila ng napakarami nang brand ambassadors ng kumpanya ay hindi pa rin tumigil si Rhea sa pagkuha ng mga kilalang personalidad to be part of her growing family na ang pinakabago ay ang ultimate Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual.

Ayon sa gracious lady boss ng Beautederm, nasa bucket list na umano niya si Piolo noon pa man but she waited for almost eleven years bago niya ito naisakatuparan.

With Papa P. now being part of Beautederm family, ano pa nga ba ang mahihiling ni Rhea bukod pa sa lalo pang pagbulusok ng mga produkto ng kanyang kumpanya na meron nang mahigit 200 physical stores nationwide and counting. Meron na rin itong branch in Singapore na matatagpuan sa Lucky Plaza.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)