Home>Entertainment>Showbiz>Carmina hands on mom pa rin kahit malalaki na ang kambal

Carmina hands on mom pa rin kahit malalaki na ang kambal

Carmina Villarroel

HANGGANG ngayon, hands-on mommy si Carmina Villarroel pagdating sa kanyang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi na mga binata’t dalaga na.

Sa recent YouTube vlog ni Carmina, idinetalye ng ‘Sarap, ‘Di Ba?’ host ang kanilang maingat na pagpunta ng salon para sa pagpapagupit ng kambal. Hindi pa raw nakakapagpaayos ng buhok ang dalawa mula nang ipatupad ang quarantine.

“The reason why we’re here is because back to work na kasi kami,” paliwanag ni Carmina. “Kailangan na talaga magpagupit ni Maverick. Nahihirapan na siyang ayusin ‘yung buhok niya. We’re taping Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition and All-Out Sundays kaya kailangang-kailangan na talaga. Of course, we have to look presentable sa camera.”

Muli namang pinaalala ni Carmina na mahalaga ang ibayong pag-iingat kung kinakailangang bumisita sa salon gaya na lang ng pagbu-book ng appointment at pagsusuot ng protective gear.

Ngayong Sabado (September 12), mapapanood ang pamilya Legaspi sa fresh episode ng ‘Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition’, 10:00AM, sa GMA-7.

Willie bakit ‘di ibinigay ang unang premyo sa ‘Spin A Wil’?

Willie Revillame
Willie Revillame

HALATANG excited si Willie Revillame sa bagong palaro sa ‘Tutok to Win’ sa Wowowin – ang ‘Spin A Wil’.

Noong September 4, nagpa-sample ang TV host kung paano ito laruin. May tinawagan siyang contestant mula sa Jolo.

Paliwanag ni Willie, ang mapalad na matatawagan para sa bagong laro ay mananalo agad ng P10,000. Kapag tama naman ang sagot sa tanong ni Willie, magkakaroon ang viewer ng pagkakataong paikutin ang roleta.

Makikita sa roleta ang mga papremyo. Maaaring manalo ng P10,000, P20,000, P30,000, P50,000 hanggang P100,000, at meron ding Wil Kart, Kitchen Showcase, Living Room Showcase, at Electronics Showcase.

Sa pa-sample, tama ang sagot ng contestant. Ang problema, ang pinanalunan ng contestant from Jolo ay isang Wil Kart. Dahil mahirap itong ipadala sa Jolo kaya pinagpasiyahan na lamang ni Kuya Wil na dagdagan ang contestant ng P10,000 kaya nanalo ito ng P20,000.

Samantala, bukod sa free TV, napapanood din ang Wowowin mula Lunes hanggang Biyernes sa official verified social media accounts ng programa.

XOXO may bagong single

XOXOMAY bagong handog na self-titled debut single ang girl group na XOXO under GMA Music. Ang naturang awitin ng grupo, na binubuo nina Riel, Dani, Lyra, at Mel, ay may magandang mensahe na inspiring para sa mga kababaihan.

Ayon kay Riel, “We want to show them who we really are as performers as well as when we’re not on stage. We know that we cannot please everyone but we’re not going to stop pursuing our dreams. Kagaya nga po ‘nung sinabi namin sa song “no matter what they say, no matter what they do, we’re gonna keep on flying.”

Dagdag pa ni Dani, nais nilang ipalaganap ang mensahe ng self-love at body positivity sa pamamagitan ng kanilang single, “We want to inspire people who are not feeling good and confident with themselves, those who think that they are not perfect or they don’t fit in sa “standards” ng society. We want to show them that it is okay to be different and each of us has our own kind of beauty.”

Composed by Kiko Salazar, maaari nang i-stream at i-download ngayon ang XOXO single sa Apple Music, Spotify, YouTube Music at iba pang digital stores worldwide.

Kyline bakit lalong naging fan ni Ate Guy

Kyline Alcantara
Kyline Alcantara

LALONG naging fan ang young actress na si Kyline Alcantara ni Superstar Nora Aunor. Dahil sa serye nilang ‘Bilangin Ang Bituin sa Langit’, mas nakilala ni Kyline ang idolo.

Aniya, “Si Ms. Nora kasi, ma-ge-gets mo kung bakit maraming nagmamahal sa kanya until now at maraming rumerespeto sa kanya until now because, walang halong showbiz, sobrang bait niya.”

Dagdag na kuwento niya, “And may time rin talaga na nakikipagbiruan siya, sumasabay siya sa aming mga bata, so isa ‘yun sa mga na-appreciate ko kay Ms Nora. Doon ko rin talaga na-re-realize na, ‘Oh my gosh. Kaya siya Superstar kasi ganito siya, kasi pagdating sa set, ayun na talaga siya, ready na siya.”

Yasmien parang balikbayan pag-uwi mula sa lock-in taping

Yasmien Kurdi
Yasmien Kurdi

NAKAUWI na si Yasmien Kurdi sa kanyang bahay matapos ang lock-in taping para sa mini-series na “I Can See You: The Promise.” At nagulat siya sa pag-uwi dahil may sorpresang naghihintay para sa kanya.

Sa Instagram, ipinost ng aktres ang maikling video kasama ang caption na “Grabe naman may pa-surprise pa sila Pangga at Ayesha Zara sa akin pagbalik ko sa bahay from my lock-in taping…may pa bouquet pa! Para naman akong balikbayan lol! Sobrang sweet naman…nilinis pa talaga nila yung room at inayos kung saan ako magse-self quarantine for few days…”

Pero para kay Yasmien, bawal pa rin ang physical contact, “Pasensya na sa inyo bawal muna kiss, hug at kwentuhan…kaya lumalayo rin ako (kwentuhan nalang tayo sa video call kahit nasa kabilang kwarto lang ako). Konting tiis lang para sure talaga na safe. Salamat talaga! Mahal ko kayo.”

Publication Source :    People's Tonight
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal