Home>Entertainment>Showbiz>Carmina may sikreto kung bakit makinis pa rin

Carmina may sikreto kung bakit makinis pa rin

Carmina Villarroel
Carmina Villarroel

HANGGANG ngayon, sa kabila ng kanyang edad, isa si Carmina Villarroel sa mga actress of her generation sa nagtataglay pa rin ng healthy and youthful looking skin. Kaya nga, marami ang nagsasabi na sadyang maswerte ang kanyang mister na si Zoren Legaspi.

Sa kanyang recent YouTube vlog, ibinahagi ng actress-TV host ang steps para sa kanyang skin care routine at ang kahalagahan ng pag-check ng skin type bago mamili ng products.

Aniya, “You have to know your skin type first. Kayo po ba ay dry skin, oily skin, sensitive skin, you have to know. And then ‘pag nalaman niyo na, that’s the time you buy your products.”

Mainam din daw na bumili muna ng products sa maliit na size o kaya ay humingi ng sample para i-test ang produkto.

Bago maglagay ng skincare products, payo ni Carmina na siguraduhing malinis ang mukha, “Before I put anything on my face, I make sure na malinis po siya.”

Gumagamit rin daw siya ng makeup remover wipes bago siya mag-facial wash. Ilan pa sa must-haves ni Carmina ang eye cream and lip balm na dala raw niya lagi sa set.

Samantala, napapanood si Carmina sa Saturday morning talk show na ‘Sarap, ‘Di Ba?’ kung saan kasama niya ang kanyang twins na sina Mavy at Cassy at asawang si Zoren Legaspi. Abangan din si Carmina sa upcoming drama series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ sa GMA-7.

Mga mangingisdang beki, tampok sa #MPK ngayong Sabado

Mangingisdang beki
Mangingisdang beki

NGAYONG Sabado (November 7), muling mapapanood sa ‘Magpakailanman’ ang kuwento ng apat na mangingisdang beki sa Navotas.

Sila ay sina Michael, Walen, Rolly, at Yuri na dumanas ng iba’t ibang uri ng diskriminasyon sa trabaho dahil sa kanilang kasarian. Bukod dito, may kanya-kanya rin silang mabibigat na problema sa buhay.

Pero lahat sila ay handang baguhin ang paniniwala ng lahat, basagin ang diskriminasyon, homophobia, at ang stigma sa mga trabahong panlalaki.

Tampok sa episode sina Jak Roberto, Dave Bornea, Raphael Robes, at Mela Habijin.

Kilalanin silang apat sa “Fishergays: Mga Tigasing Sirena sa Laot” na mula sa direksyon ni Zig Dulay ngayong Sabado pagkatapos ng The Clash sa GMA-7.

Running Man at Music Bank, mapapanood sa GMA News TV

GOOD news para sa mga fan ng Hallypop channel ng Kapuso Network dahil simula ngayong Sabado, Nobyembre 7, ay magkakaroon na ng simulcast airing ang ilan sa mga patok nilang programa sa GMA News TV.

Maging updated sa Asian pop culture sa pagtutok sa mga dekalidad at kaabang-abang na mga programa hatid ng GMA katuwang ang Jungo TV.

Tunghayan ang mga exciting at nakatutuwang episodes sa hit Korean show na ‘Running Man’ kung saan sasabak ang mga guests at sikat na celebrities sa iba’t ibang entertaining missions at games kasama ang cast members at hosts. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes at 5:00PM, tuwing Sabado at 4:00pm at 3:00 PM kada Linggo.

Tiyak na papatok din sa music lovers ang mga nakahandang world-class performances sa programang ‘Music Bank’ na eere mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 PM.

Mai-enjoy ang Hallypop wave at iba pa nilang content offerings na available 24/7 sa Hallypop channel sa GMA Affordabox at iba pang digital TV receivers.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal