Carmina, nailang nang slight kay John

February 13, 2019
Carmina Villarroel

NALAMATAN man noon ang working relationship nina Carmina Villarroel at John Estrada, tapos na ang isyu sa kanila at mag-asawa pa ang role nila sa upcoming Kapuso series na Kara Mia.

“First time naming magsama ni John after Palibhasa (Lalaki). Parang ten years old lang ako nu’n, hahaha!

“Nu’ng una, medyo nailang ako nang slight. Nu’ng una lang. But habang second day, third day, parang Kuya! Kuya naman, ’di ba? Mas matanda ka nang slight,” saad ni Carmina sa katabing si John sa mediacon ng Barbie Forteza-Mika de la Cruz starrer.

“Of course excited dahil nga natagalan kaming nagsama. I think ’96 or ’97. That time, maraming nangyari. Nag-asawa siya, ako, nag-asawa uli. Oo nga nag-asawa siya uli!

“Sobrang excited ako nang sinabi sa akin na makakatrabaho ko si Carmina. Hindi ko na naisip ang talent fee. Hahaha!

“Of course, ang matagal ko nang kumare (si Glydel Mercado). Kaibigan ko si Ton (Gutierez). Ibang-iba ang character ko,” sey ni John.

Teka, kelan lilipat daw sa GMA-7 ang kaibigan niyang si Derek Ramsay?

“Malapit na yata! ’Yan ang mga boss, hahaha!” turo ni John sa GMA executives.