Catriona breaks beauty camp monopoly?

December 20, 2018
Catriona Gray

CATRIONA Gray is "the most prepared Miss Philippines" candidate ever to compete in the Miss Universe pageant.

Ayon ito sa post ni Miss Universe 2012 first runner-up Janine Togonon. Matatandaan na nag-train si Catriona sa Aces and Queens ni Jonas Gaffud noong sumali siya sa Miss World noong 2016. But she seems to have her lessons from her Miss World bid. And one of these is to be independent. Kaya naman nung sumali siya sa Binibining Pilipinas 2017, wala siyang bitbit na beauty camp kundi isang sariling glam team. And she won as the country's official candidate to Miss Universe 2018.

Knowing her strengths, Catriona formed her own team that would help her bring back the Miss Universe crown to the Philippines. And so she successfully did as she was proclaimed the 67th and 4th Filipina Miss Universe in Bangkok, Thailand last December 17. Dahil dito, isa-isa niyang binanggit sa kanyang appreciation post sa social media sina designer Mak Tumang (para sa kanyang "Ibong Adarna" at "Mayon" gowns), trainor Carlos Buendia, Jr. (para sa kanyang "lava walk" at slow-motion twirl), beauty queen Nicole Cordoves (para sa kanyang question and answer at public speaking), shoemaker Jojo Brigais at iba pa.

Pinatunayan niya na hindi niya kailangan ang isang beauty camp para mapagtagumpayan ang kanyang laban. She knows her own battle from A to Z. Alam niya kung ano ang gusto niya. Pinag-aralan niya mismo ang lahat ng ginamit niya sa pageant. Siya nga mismo ang nag-design ng earcuff at earrings na sinuot niya. Klaro na walang nagdikta sa kanya kung ano ang susuotin, sasabihin at gagawin niya sa buong laban. She really knows her core values. In short, she walks the talk.

Sa kanyang pagkapanalo, nawala sa eksena ang Aces and Queens at Kagandahang Flores, dalawang sikat na beauty camps na nagpanalo ng maraming beauty queens sa international pageants. Magandang senyales ito dahil ibig sabihin nito na hindi kailangan ng isang aspiring beauty queen na mag-training sa beauty camp para manalo sa isang beauty pageant. Dapat walang monopolyo sa beauty pageant. Kung tutuusin, may personality development workshop na mismo ang mga beauty pageant organizer para sa kanilang mga kandidata. Kaya hindi na kailangan ang beauty camp; lalo na't matindi ang pulitika sa pageant industry. Dagdag gastos pa ito para sa mga kandidata lalo na 'yung wala namang perang panggastos.

Sa kabilang banda, hindi rin maikakaila ang contribution ng Aces and Queens sa tagumpay ni Catriona. Mukhang hindi naman isinasantabi ito ng bagong Miss Universe. Kaso marami ang namba-bash sa kanya sa hindi raw nito pagbanggit kay Jonas sa mga nag-mentor na kanyang pinasalamatan. Reaksyon ito sa IG post ni Gaffud na may caption na "Give credit where credit is due. Huge congratulations should go to the team that helped Catriona in her Miss Universe bid... I, thank you."

Some netizens think that  Gaffud still deserves to be acknowledged even if he is not part of Catriona's Miss Universe team. Mukhang ito ngayon ang ginagawang isyu ng ilan laban kay Catriona. Naku, kaniya-kaniyang panahon lang 'yan!

Siyempre, naka-focus siya sa present team niya. Magiging ingrata na ba si Catriona kung 'di niya nabanggit si Gaffud at iba pang tumulong sa kanya sa Miss World journey niya? Just asking...

For comments: Makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com