Catriona nasa bansa

June 05, 2019
Catriona Gray

MISS Universe Catriona Gray is back in the Philippines para dumalo sa 2019 Bb. Pilipinas coronation night at ipasa ang korona sa susunod na mananalo bilang Miss Universe Philippines na siyang kakatawan sa Pilipinas sa darating na 2019 Miss Universe coronation night  na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na June 9.  Ito bale ang unang taon na magsasanib-puwersa ang bagong tatag na Miss Universe Philippines at ang Bb. Pilipinas Charities na pinamumunuan ni Stella Araneta.

Si Catriona ay dumating sa Pilipinas last Sunday, June 2.  Bukod sa coronation night ng 2019 Miss Universe Philippines and Bb. Pilipinas winners, nakatakdang dumalo ang Fil-Australian beauty at ikaapat na Filipina Miss Universe  sa ilang charity events at ilang photo shoots.

Si Catriona ay kasalukuyang naka-base sa New York City, USA for her entire reign.

Samantala, kung wala pang napipisil ang Star Cinema sa bagong gaganap na Darna matapos magkasunod na mag-back out sina Angel Locsin at Liza Soberano due to health issues, may mga nagsa-suggest na bagay umano si Catriona sa Darna role habang ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach naman para sa role na Valentina.