Catriona at Pia nagpakita ng suporta sa ABS-CBN

July 13, 2020
Pia Wurtzbach and Catriona Gray
Pia Wurtzbach and Catriona Gray

BUKOD sa libu-libong empleyado na tiyak na mawawalan ng trabaho dahil sa pagkaka-basura ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN last July 10, 2020, libo ring Kapamilya actors, directors, writers, cameramen, production and technical personnel at iba pang service providers ang nawalan ng hanapbuhay.

Sa gitna at panahon ng pandemya, hindi ganoon kadaling makanap ng alternatibong trabaho.

Marami namang manonood ang nalungkot dahil bukod sa mga programa ng ABS-CBN, malaki ang naitutulong ng TV network kapag may dumarating na kalamidad sa bansa at kasama na rito ang coronavirus (Covid-19) na isang pandemya na patuloy nilang ginagawa hanggang ngayon kahit sa kanilang limitadong reach and resources.

Bukod sa publiko at napakaraming personalidad, nagpakita rin ng suporta ang dalawang Miss Universe title holders na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray sa nangyari sa ABS-CBN.