Catriona pinagkaguluhan sa Bangkok airport

December 01, 2018
Catriona Gray
Catriona Gray

VERY optimistic ang mga Pinoy na maiuuwi ang korona ng kinatawan ng Pilipinas sa 2018 Miss Universe pageant na si Catriona Gray na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa darating na December 17.

Si Catriona ay unang kumatawan sa Pilipinas sa Miss World beauty competition in 2016 at ngayon naman para sa Miss Universe nang siya’y muling lumahok sa Bb. Pilipinas beauty pageant at siya ang kinoronahang  Bb. Pilipinas-Universe.

Umalis last Thursday, November 29, patungong Bangkok si Catriona kasama ang kanyang team from Bb. Pilipinas Charities, Inc., ang shoemaker na si Jojo Bragais at ang kanyang stylist na si Ton Lao. Suot ni Catriona ang green top at black pants na gawa ng fashion designer na si Anthony Ramirez.

Sa Subarnabhumi Airport pa lamang ng Bangkok ay pinagkaguluhan na si Catriona at isa umano ito sa mga top condenders para sa Miss Universe crown.

Ang 24-year-old na  Catriona ay isang Fil-Australian beauty.  Filipina ang kanyang inang si Normita Ragas Magnayon at Australian naman ang kanyang amang si Ian Gray.

Si Catriona ang kauna-unahang kinatawan ng Pilipinas who represented in two major beauty pageants, ang Miss World in 2016 at Miss Universe 2018.