Catriona suportado ang Bb. Pilipinas

February 07, 2020
Catriona Gray
Catriona Gray

ALL eyes are on Catriona Gray and Stella Marquez-Araneta these days.

Nakaw-eksena ang naganap na meeting ng dalawa kamakailan. Kaya lalong umiinit ang usapin hinggil sa local pageantry. Lalo na't may sarili nang pageant sa pagpili ng official candidate sa Miss Universe simula ngayong taong 2020. Sa Facebook post ng Sash Factor, iba-iba ang naging reaksyon ng mga pageant afficionado. Isa sa kanilang ispekulasyon ay si Catriona na raw ang magiging National Director 'pag nag-retire si Madam Stella. Pero mas malapit sa katotohanan ang usap-usapan na si Cath ang magiging host sa coronation night.

Nakakatuwa na makita ang Miss Universe 2018 na suportado ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI). She really epitomizes the organization's battlecry - "a binibini is always a binibini." Her support helps boost the morale of Madam Stella and the organization. Patunay lamang na may utang na loob itong si Cath. Indeed, she is beautiful inside and out.

Samantala, nilinaw na ni Shamcey Supsup, National Director ng Miss Universe-Philippines, na wala dapat kompetisyon sa dalawang organisasyon. Pero sa pagsasanib puwersa nina Cath at Madam Stella, mukhang lalong titindi ang kompetisyon sa pagitan ng BPCI at MUP. So, who will win in the ratings game come coronation night? Just asking...

Disclaimer:

For comments/reactions, call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com.