Catriona suportado ni Tyra Banks

December 16, 2018
Catriona Gray

NGAYONG alas-8 ng umaga (Philippine time), December 17, magsisimula ang 2018 Miss Universe pageant sa Impact Arena, Muang Thong Thani in Bangkok, Thailand kung saan ang mga  candidates mula sa 94 countries including the Philippines ang maglalaban-laban para masungkit ang ika-67th crown and title.

Pambato ng Pilipinas ang Fil-Australian beauty na si Catriona Gray.

Dagsa ang mga Pinoy sa Bangkok para suportahan ang kinatawan ng Pilipinas at personal na masaksihan ang finals and coronation day ng Miss Universe 2018 at kasama na rito ang 2011 Miss Universe 3rd runner-up na si Shamcey Supsup-Lee, mga Filipino fashion designers at iba pa.

Natuwa naman ang mga Filipino fans sa muling pag-tweet ng American former model, TV personality, producer, businesswoman, actress and part time singer na si Tyra Banks ng “I mean…Pinoy power!!!” tulad ng ginawa niya noon sa 2015 Miss Universe Philippine candidate na si Pia Wurtzbach na siyang nanalo ng korona that year.

Kung kakatigan ng seven all-female judges ang komento ni Tyra Banks, ng mga Filipino fans and beauty pageant observers, malaki ang chance ni Catriona na masungkit ang korona for this year’s Miss Universe crown.

Ang pitong lady judges ay binubuo nina Liliana Gil Valletta - Cambodian-American businesswoman/entrepreneur, Janaye Ingram - American-Political organizer and 2004 Miss New Jersey USA,  Monique Lhuillier - US-based Filipino-French international fashion designer, Michelle McLean – 1992 Miss Universe from Namibia, Bui Simon – 1988 Miss Universe from Thailand, Richelle Singson-Michael, architect-businesswoman and daughter of actor-politician Gov. Chavit Singson.

Ang TV host-comedian na si Steve Harvey pa rin ang tatayong main host along with supermodel Ashley Graham habang ang TV personality na si Carson Cressley at ang runway coach na si Lu Sierra ang magpu-provide ng commentary at analysis throughout the event.  Ang American singer-composer na si Ne-Yo ang special guest performer.

Ayon sa pangulo ng Miss Universe Organization na si Paula Shugart, hindi nag-prosper ang negosasyon sa Pilipinas sa kabila ng pagbibigay ng 90% assurance ng dating Dept. of Tourism Secretary na si Wanda Tulfo-Teo na ito’y gaganapin umano sa newly-rehabilitated Boracay dahil ibinasura ito ng present DoT secretary na si Bernadette Romulo-Puyat due to budget constraint at katatapos lang din ng Pilipinas mag-host ng 2016 Miss Universe nung January 30, 2017.   Nakipag-negotiate din ang MUO sa China pero hindi umano ito pumayag sa live telecast dahil malayo ang agwat ng actual time ng China at Amerika.  Kaya ang Bangkok, Thailand ang third and final choice.

Samantala, hindi lamang ang representative ng Pilipinas na si Catriona Gray ang nag-suot ng gown gawa ng Filipino designer na si Mak Tumang kundi maging ang ibang kandidata sa ibang bansa tulad ng Miss Belize na si Jennili Fauzer na suot ang design ni Joey Galon, si Rian Fernandez naman ay may gawa ng gown ng Miss Cambodia na si Rern Nat, si Mark Bumgarner ang gumawa ng gown ng Miss Ecuador at si Michael Cinco sa Miss Canada.  Design din ni Michael Cinco ang gown ni Pia Wurtzbach in 2015 at ng Miss Universe in 2016 na si Iris Mittenaere.

Bukod sa mga beauty competitions, gumagawa rin ng pangalan ang iba’t ibang Pinoy fashion designers na na-penetrate na rin ang international fashion scene.

As what every Filipino is wishing and praying  for, sana nga masungkit ni Catriona Gray ang korona.