Catriona at Tyra, super close na

December 18, 2018
Tyra Banks

Hindi pa man nagkikita nang personal, parang close na sina 2018 Miss Universe Catriona Gray at Supermodel TV host Tyra Banks.

Nagsimula ang lahat nang i-tag si Tyra ng isang supporter ni Catriona pagkatapos nitong rumampa with her Lava Walk.

Nag-comment si Tyra ng, “I mean... Pinoy Power to the Max!!!”

Nabasa ’yun ni Catriona at nag-comment ng OMG @tyrabanks.”

After maproklamang winner at 2018 Miss Universe si Catriona, sinagot nito ang “OMG” comment ni Catriona ng, “And OMG back at YOU! You did it! And that walk and confidence? I mean... NEXT LEVEL FIERCE!!! Tytyapproves.”

Busy pa si Catriona, hindi pa yata nababasa ang panibagong tweet ni Tyra, kaya wala pa siyang reaction.

Pero siguradong tuwang-tuwa ito at baka mapa-“OMG” uli.