Catriona's moves trending

December 15, 2018
Catriona Gray

PALUNG-PALO ang "slow motion turn" pose ni Catriona Gray sa katatapos na preliminary competition ng Miss Universe 2018.

Ito ang trending topic ngayon sa social media matapos magpakitang gilas ang ating pambato sa swimsuit round nito. Tumatak ang nasabing pose dahil parang sinadya ang pag-slow motion nito sabay hampas ng kanyang buhok sa hangin. Kaya naman marami ang nagulat sa ipinakitang performance na ito ni Catriona. She also sashayed her gown with elegance - slaying the long ramp with her signature "Lava Walk." She really gave justice to the creation of Kapampangan designer Mak Tumang. The gown is inspired from the mythological Philippine bird Ibong Adarna, Phoenix and Mikimoto crown.

Impressive ang ipinakitang performance ni Cat sa preliminary pageant. Alam ni Cat na mapipili mula sa rounds na ito ang Top 20 na maglalaban sa coronation night. Kaya nilabas na niya ang kanyang alas. Prior to the pre-pageant, a closed-door interview was conducted to know the candidates up close and personal, last Wednesday.

Kitang-kita rin sa mga ngiti ni Cat kung gaano niya ini-enjoy ang pagsali niya sa Miss Universe. Obviously, she is really all-out prepared for this pageant. Bumawi siya mula sa dismayadong performance niya sa National Costume competition last Tuesday. Matatandaan na nagkaroon ng konting aberya ang kanyang "Luzviminda" costume gaya ng hindi pag-ilaw ng parol na parte ng kanyang costume.

Sa taong ito, puro babae ang panel of judges. Accordingly, both the preliminaries and finals have same set of judges. Two of them are Filipinos - fashion designer Monique Lhuillier and the daughter of Chavit Singson, architect Richelle Singson-Michael. Kaya inaasahan na makakatulong diumano ang pag-upo nila bilang judges sa nasabing pageant. Pero sabi naman ng iba, mahihirapan daw itong si Cat na maiuwi ang titulo at korona. Sa forecast ng ibang pageant watchers, malaki daw ang chance nina Miss Colombia, Miss Mexico, Miss Venezuela, Miss Puerto Rico at Miss South Africa na manalo bilang 67th Miss Universe. May narinig pa nga kami na posibleng back-to-back win daw ito para sa South Africa.

Hula naman ng iba na baka raw mangyari kay Cat ang sinapit ni Rachel Peters na hanggang Top 10 lang ang inabot noong Miss Universe 2017. Lalo pa raw kung ang sunud-sunod na pagkatalo ng ating mga kandidata sa international pageants ngayong taon ang magiging basehan o premonisyon ng kanyang laban. Malalaman natin ang kanyang kapalaran sa coronation night ng Miss Universe sa Thailand ngayong December 17.

Will her "slow motion turn" pose and "lava" walk catapult Catriona to win the 4th Miss Universe crown for the Philippines? Just asking...