Celebrities, magpapa-auction ng pre-owned items

June 02, 2020
Angel Locsin

MULING ni-revive ni Angel  Locsin kahapon, June 1 ang kanyang sinimulang fundraising project in 2009, ang Shop & Share and this time ay katuwang niya sina Anne Curtis, Bea Alonzo at iba pa. Naging positibo ang response ng maraming celebrities na hindi nag-atubiling mag-donate ng kanilang luxury owned items from cars, bags, shoes, accessories at iba pa.  And these are all for auction under Shop and Share at ang perang malilikom ay pambili ng Covid-19 testing kits intended sa mahihirap nating kababayan.

Up for auction ang  red 2015 Dodge Durango ni Angel at ang red convertible Ferrari na nagkakahalaga ng P11-M na pag-aari ni Sam Verzosa ng Frontrow Philippines, ang Star Wars toy collection ni OgieAlcasid, ang Luis Vuitton On the Go Monogram Tote Bag ni Regine Velasquez at iba’t ibang pre-love items nina Anne Curtis, Bea Alonzo, Liza Soberano, Vice Ganda, Vhong Navarro, Pia Wurtzbach, Sylvia Sanchez, Karla Estrada, ng mag-asawang Dra. Vicki Velo at Dr. Hayden Kho at iba pang celebrities. Nais ding i-donate ng singer-actor na si Mark Bautista ang mapagbibilhan ng kanyang paintings.

Bukod sa patuloy na fundraising campaign ng ABS-CBN sa pamamagitan ng kanilang “Pantawid Pag-ibig,” tumutulong din ang maraming Kapamilya stars na makalikom ng pondo para rin makatulong sa matinding problema na kinakaharap ngayon ng mamamayan laluna ang mahihirap.