Celebrities na big hit sa social media

January 08, 2019
Maine Mendoza
Maine Mendoza

KUNG ang Instagram at Twitter accounts ng mga kilalang personalidad ang pagbabasehan, nangunguna pa rin sa talaan ang magkaibigan at magkasama sa noontime show na “It’s Showtime” na sina Vice Ganda at Anne Curtis

On Twitter, nanguna si Vice with 11.7-M followers na sinusundan naman ni Anne with 10.8-M.  Sa Instragram naman, leading si Anne with 10.5-M na sinusundan naman ni Vice Ganda with 7.3-M.  Pumapangatlo naman on Twitter si Angel Locsin with 10.5-M habang sa Instagram  naman ay third si Alex Gonzaga with 5.9-M kasunod ang sister nitong si Toni Gonzaga with 5.9-M habang 4.5-M naman ang followers ni Angel Locsin.

On Twitter ay pang-apat si Alden Richards with 5.18-M kasunod si Maine at 4.97-M.  Kris Aquino has 3.9-M followers on Instagram habang 1.58-M naman sa Twitter.

Sa Instagram naman ay may 3.1-M followers si Maine habang 2.5-M naman si Alden.  May 2.5-M followers din si Coco on Instagram.

Tiyak na malaki ang naitulong ng mga followers nina Vice Ganda, Coco, Anne  at  Maine para mag-hit sa takilya ang kanilang respective Metro Manila Film Festival entries na “Fantastica,” “Jack Em Popoy” at “Aurora” na siyang Top 3  sa box office  sa nagtapos na MMFF last Monday, January 7.